Login   Bookmark:Subscribe:
You are here: Home » Languages » halimbawa ng salawikain at ang kahulugan nito?

Question:

halimbawa ng salawikain at ang kahulugan nito?

halimbawa ng salawikain at ang kahulugan nito? examples and meaning of proverbs in tagalog

Submitted: 2118 days ago
coleen c
 

Answers:

 
Submitted: 2118 days ago

Salawikain.

-Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
-Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.

-Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
-Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.

-Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
-Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.

-Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.
-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.
-Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.
-Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

-Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.
-Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.

-Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.
-Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

-Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.
-Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin.


♥ eeza

Answer
1/3

εεzah
 
 
Submitted: 2118 days ago

Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa. ---- It means that the Lord has the mercy but people need to work.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
hindi makakarating sa paroroonan. ---- A person who does not remember where he came from will never reach his destination.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika,
ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda. ---- He who does not love his own mother tongue is worse than a rotten fish.

Ang kalusugan ay kayamanan. ---- Health is Wealth

Ang buhay ay parang gulong,
minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. ---- Life is like a wheel, sometimes your up sometimes your down

Ang umaayaw ay di nagwawagi,
ang nagwawagi ay di umaayaw. ---- A quitter never wins, a winner never quits.

Ang palay ay parisan,
habang nagkakalaman ay alalong nagpugpugay. ---- Imitate the rice stalk, the more grains it bears, the lower it bows.


Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. ---- Poverty is not a hindrance to success.


Hope it helps =)

Answer
2/3

Vealy Celdran
 
 
Submitted: 290 days ago

kwento mo sa bota ng lolo mo'



kahulugan-kwento mo sa elepante

Answer
3/3

Joanna
 
 
 
 

Copyright © 2014 SwiftAdvice.com All Rights Reserved